Tropical Depression Dante, magpapaulan sa ilang bahagi ng Mindanao
Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility kanilang ala-1:00 ng madaling-araw ang binabantayang Low Pressure Area sa Silangan ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, alas-8:00 ng umaga naman ay nadevelop ito bilang isang bagyo at pinangalanang Dante.
Sa latest forecast ng weather bureau, ang sentro ng bagyo ay nasa layong 1,000 kilometers Silangan ng Mindanao, taglay ang hanging aabot sa 45 kph at pagbugso ng hanggang 55 kph.
Dahilmay kalayuan pa sa landmass o kalupaan ang bagyo at nasa karagatan pa ito ay wala pa itong direktang epekto sa bansa maliban na lamang sa extension o trough ng bagyo na siya namang magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa Caraga at Davao Region.
Sa ngayon ay wala pang Tropical storm signal na ipinalalabas ang PAGASA sa alinmang bahagi ng bansa.
Pero bukas ng hapon, inaasahang lalakas pa ito bilang Tropical Storm.
Sa susunod na 24 oras dahil may kabagalan ang pagkilos ng bagyo ay inaasahang nasa 700 kilometers East ito ng Davao City.
Samantala, ngayong Linggo ay asahan pa rin ang mainit at maalinsangang panahon sa buong Luzon lalu na sa tanghali at hapon.
Inaasahang papalo ng hanggang 35 degree celsius ang temperatura sa Metro Manila habang 40 degrees naman sa Tuguegarao, Cagayan.