Single shot Johnson & Johnson COVID-19 vaccine, inaprubahan na ng UK
LONDON, United Kingdom (AFP) – Aprubado na sa Britanya ang paggamit sa ika-apat na coronavirus vaccine, sa pag-asang mapalakas ang pang buong bansang pagbabakuna, upang muli nang mabuksan ang mga negosyo sa kabila ng mga pangamba tungkol sa isang bagong variant.
Inaprubahan na ng Medicines and Healthcare products Regulatory Agency (MHRA), ang single-shot Johnson & Johnson (J&J) vaccine, matapos una nang aprubahan ang mga bakuna ng Pfizer, AstraZeneca, at Moderna.
Ayon kay Prime Minister Boris Johnson . . . “It is very welcome news and another boost to our hugely succesfull vaccination program. As we encourage everyone to get their jabs, the single-dose…vaccine will play an important role in helping us protect people from the virus.”
Sinabi naman ni Health Secretary Matt Hancock, na ang mass vaccination campaign na pinakamalaki sa kasaysayan ng Britanya, ay nakapagligtas na ng higit 13,000 buhay.
Dagdag pa ni Hancock . . . “The latest regulatory green light means that we now have four safe and effective vaccines approved to help protect people from this awful virus.”
Ang Britanya ay umorder ng 20 milyong doses ng bakuna, na 72% ang bisa para maiwasan ang katamtaman hanggang sa malalang infection, ayon sa isang US trial.
Ipinahayag ng European Medicines Agency noong Abril, na isang babala tungkol sa hindi pangkaraniwang blood clots na may kasamang low blood platelet count ang dapat mairagdag sa J&J product information, kasunod ng mga kaso sa Estados Unidos.
Ang Britanya sa ngayon ay nakapagbigay na ng 62 milyong shots, na ang karamihang gamit ay bakuna ng Pfizer at AstraZeneca.
Ang J&J ay pumasok sa eksena, nang mga kabataan na ang kailangang bakunahan, sa gitna ng pangamba sa pagdami ng tinatawag na Indian variant.
Makalipas ang ilang buwan nang pagbaba sa mga kaso, nagsimulang dumami ulit ang nahahawaan dahil sa paglitaw ng nasabing variant na naging sanhi rin ng pag-aalinlangan para sa planong full reopening ng ekonomiya sa June 21.
Sinabi ni Business Secretary Kwasi Kwarteng . . . “It was impossible for anyone to know what the situation will be like in a week or two weeks’ time. We’ll be looking at the data, we’ve said repeatedly that we won’t make a final decision about the 21st of June unti the 14th of June.”
@Agence France-Presse