Pagbibigay ng WHO ng Emergency Used List sa Sinovac vaccine, ikinatuwa ng Malakanyang
Ikinagalak ng Malakanyang ang pagbibigay ng World Health Organization o WHO ng Emergency Used List (EUL) sa Sinovac anti COVID 19 vaccine na gawa ng China.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na malaking tulong ang pagkakaroon ng EUL ng Sinovac mula sa WHO sa vaccination program ng Pilipinas.
Ayon kay Roque sa pamamagitan ng EUL ng Sinovac mapapataas ang kumpiyansa ng publiko dahil hindi lamang ang Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas ang nagsasabi na ligtas at mabisa ang Chinese made vaccine kundi mismong WHO.
Inihayag ni Roque na nananatiling ang Sinovac ang pangunahing anti COVID 19 vaccine na ginagamit ng Pilipinas sa isinasagawang mass vaccination program.
Umaasa din si Roque na mababawasan din ang vaccine preference ng mga pinoy na kumikiling sa western made anti COVID 19 vaccine na Pfizer.
Vic Somintac