Pagkain ng alamang o hipon mula sa baybayin ng Carles, Iloilo, bawal muna dahil sa pamumula ng tubig
Ipinagbawal muna ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources- Region 6 ang pagkain at pagbebenta ng mga uri ng shellfish at acetes (alamang o hipon) sa baybayin ng Sitio Luyo, Poblacion, Carles, Iloilo kasunod ng nangyaring discoloration sa tubig.
Nakasaad sa ipinalabas na local advisory ng BFAR, batay sa isinagawang water sampling sa nasabing baybayin, may presensya ng 𝘗𝘦𝘳𝘪𝘥𝘪𝘯𝘪𝘶𝘮 𝘲𝘶𝘪𝘯𝘲𝘶𝘦𝘤𝘰𝘳𝘯𝘦 o tinatawag na dinoflagellate sa katubigan.
Ito ay marine plankton o algae na karaniwang lumalabas sa mga freshwater habitats.
Pero paliwanag ng BFAR, hindi ito mapanganib sa mga tao gayunman, nagpalabas pa rin ng precautionary advise ang ahensya bilang pag-iingat.
Ang pagbawal muna sa pagkain ng mga shellfish ay epektibo habang may discoloration pa sa karagatan.