Mga Medical Professional na boluntaryong tumutulong sa mga vaccination site sa QC, makatatanggap na ng daily allowance
Makatatanggap na ng hanggang 2,550 pisong daily allowance ang mga Medical volunteer na tumutulong sa pagbabakuna sa iba’t-ibang lugar sa lungsod.
Ito’y matapos lagdaan ni Mayor Joy Belmonte ang ordinansa kaugnay sa pagbibigay ng daily allowance sa mga volunteers.
Sa ilalim ng ordinansa, babayaran ng lokal na pamahalaan ang pagkain, transportasyon at iba pang pangangailangan ng volunteer medical staff na nagseserbisyo sa mga vaccination site.
Simula noong June 1, lahat ng nakalista bilang volunteer ay bibigyan ng allowance kada araw batay sa sumusunod na kategorya:
- 2,500 para mga Medical Doctor
- 1,400 sa mga dentista at nurse
- 1,300 sa mga post-graduate intern
- 1,000 para sa iba pang allied medical professional
- 800.00 para sa midwives
Please follow and like us: