67 online loan operators, ipinatatawag ng National Privacy Commission
Nagpalabas ng summon by publication ang National Privacy Commission (NPC) ngayong araw laban sa 67 unlisted operators ng mga online lending applications dahil sa reklamong paglabag sa data privacy.
Ayon sa NPC, kinailangan pa nilang magpalabas ng summon by publication dahil walang makuhang identity o pangalan ng mga nasabing online loan operators at wala ring business address ang mga ito.
“With the defendants being unknown, summons by publication is needed in order to comply with the rules on acquiring jurisdiction and the principle of due process,” paliwanag ni Privacy Commissioner Raymund Liboro.
Sa ipinalabas na Order for Summary Hearing na inilathala sa tatlong newspapers of general circulation, inuutusan ng NPC ang mga board of directors o opisyal ng mga lending apps na humarap sa Commission para sa summary hearing, mag-submit ng kanilang Responsive Comment, at magprisinta ng depensa.
Ang kautusan ay para sa mga operators ng mga sumusunod na online apps:
- Akulaku
- Batis Loan
- Cash bus
- Cash flyer
- Cash loan
- Cash moto
- Cash to go
- Cash warm
- Cashafin
- Cashaku
- Cashalo
- Cashaso
- Cashmoney loan
- Cashope
- Cashwhale
- Crazy Loan
- Credit coin
- Credit peso
- Crutchpil
- First lending
- Flash cash
- Happy cash
- Hello papaya
- JK Quick Cash Lending
- Kwago
- Lalapeso (Mintwagon Lending Corp)
- Lending cash
- Light credit
- Loan champ
- Loan motto
- Loan wallet
- Mabilis cash
- Mango cash
- Mango loan
- Mcmpire
- Megaloan
- MF cash (Microdot Lending Corporation)
- Moola lending
- One cash
- Online loans Pilipinas
- Pautang peso
- Pera advance
- Pera express
- Pera lending
- Pera Pocket (Rainbow Cash)
- Pera4u
- Peso legend
- Peso lending
- Peso now
- Peso online
- Peso Q
- Peso to Go
- Peso tree
- Peso wallet
- Peso.ph
- Peso2go
- Pesomine
- Pesos ph
- Pesos.ph
- Pinoy cash
- Pinoy peso
- Pondo pocket
- QCash
- Sell loan
- Super cash
- Super peso
- Utang pesos
Kung mabibigo ang mga ito na sumunod sa kautusan, iaakyat na ang mga reklamo para pagpasyahan ng Commission.
“Our investigation team is committed in attending to all the complaints filed against online lending apps. However, to date, only the Uniform Resource Locator (URL) and the developers behind the 67 apps are identifiable. They have no known company name and business address, nor has anyone appeared before the Commission to represent them”, dagdag pa ni Liboro.
Nauna rito,, tatlong online lending companies: Fast Cash Global Lending, Inc., Unipeso Lending Company, Inc., at ang Fynamics Lending Inc., ang pinapagpaliwanag na rin ng Commission dahil sa mga reklamo na ginagamit ng mga online lenders na nabanggit ang mobile phonebooks ng mga umutang nang walang consent o pahintulot.
Gamit ang phonebook data ng nangutang, nagpapadala umano ng mga mensahe ang mga online lenders upang ipaalam sa mga nasa contact list na sila daw ay co-maker o character reference ng borrower.
May pagkakataon ring mismong ang contacts ng borrower ang sinasabihang dapat magbayad ng utang kung hindi makakapagbayad sa araw ding iyon ang borrower.
May ilang agents o representatives ng lending apps naman ang nagpo- post sa social media ng mga personal at sensitive personal information ng borrower.
Ang pag-access at paggamit sa mga contacts ng mga nag-install ng loan apps ay ipinagbabawal sa ilalim ng Data Privacy Act of 2012 ayon sa NPC.
Noong Huwebes, sinalakay ng NBI Cybercrime Division sa bisa ng search warrants ang isang gusali sa Pasig City na ginagamit sa online lending operations na namamahiya ng mga hindi nakakabayad na borrowers sa pamamagitan ng text at chat messages.
Gumagamit rin ang mga ito ng Voice-Over Internet Protocol upang hindi ma-detect ang pinagmumulan ng mensahe.