Ang Sining sa Panahon ng Pandemya
Isa sa libangan ng marami sa atin ay ang panonood ng tv lalo na ang drama..
Drama sa hapon hanggang gabi kaya nauso ang terminong drama-rama o tele-babad. Pero matanong lang, kayo ba nakasubok ng makapanood ng stage play? Kung oo ang sagot ninyo, ano ang mas intense panoorin?
Ngayon alamin natin usapang pag-arte tayo today..May kaibahan ba ang theater acting sa movie acting..
Aalamin natin yan mula kay Ms. Marion Gay Zacarias, acting head coach, Becky Aguila Entertainment Marketing Services.
1. Kamusta ang sining ng pag arte ngayon nahaharap tayo sa pandemya?
Ang sining ng pag arte bagamat naapektuhan din ng pandemya ay buong lakas ding lumalaban hindi lamang para sa kanila kungdi maging sa industriyang kanila ng kinalakihan.
Pero kahit na nagkaroon ng mga alternatibong paraan gaya ng virtual galleries, workshop, museums, stage plays, hindi pa rin ito sapat para masuportahan ang industriyang kanilang ginagalawan..
2. Sabi nila malakas kumita ang mga artista…gaano katotoo ito?
Glamoroso at pamoso ang larangan na ito dahil sa makukulay na kasuotan at dahil sa mas malawak ang nararating nito. Subalit ang katotohanan ay salat ang marami sa mga actor dahil na rin sa kakulangan ng suporta at pagkakataon na maipalamas ang kanilang talento dahil na rin sa teknolohiya at ilang makabagong pamamaraan ng pagpapamalas ng artistry.
3. May mangilan ngilan na teleserye ipinapalabas sa telebisyon…may naiaambag ba ang mga palabas sa panahon ng pandemya?
Malaki ang naiaambag ng sining sa panahon ngayon dahil kahit sa konting sandali nakukuha nitong pasiyahin ang mga manonood. Pansamantalang nawawaglit ang kanilang mga problema.
Isa sa kanilang tungkulin ay ang aliwin ang mga tao at naipamalas ito hindi lamang ngayong panahon ng pandemya ngunit maging panahon ng world war ll kung saan ang mga artista ay dinadala sa mga military camps upang pasiyahin ang mga sundalong nakipaglaban noong panahong iyon.
4. Sa mga sigalot na nangyayari sa mundo…sa local na pamahalaan…sa tingin mo ba eh kung wala ang covid may magagawa bang pagbabago ang mga nasa industrya ng pag arte o kahit itong panahon ng covid may magagwa ba sila?
Bukod sa tungkulin ng mga alagad ng sining ang aliwin ang mga tao, isa rin sa kanilang responsibilidad ang imulat ang mga tao sa ilang usaping sosyal at pulitika. Matapang na pamamahayag ng damdamin at saloobin ang isa sa mga ipinapamalas ng mga artista.
Kayat may covid o wala, malaki ang maitutulong nila upang buksan ang kamalayan ng mga tao.
5. Ano ba ang mas importante yung pagganap sa kanilang karakter o yung mensahe ng kuwento?
Parehong mahalaga ang pagganap ng karakter at ang mensahe ng kuwento dahil kung hindi mabibigyan ng hustisya ang pagganap ay malaki rin ang maiiwan na epekto nito sa kuwento ng istorya.
6. Paano ba dapat ipahatid ang mensahe?Bukod pa sa kuwento ng script, dapat malinaw rin ang pagganap ng karakter at ang paghahatid ng kuwentong ito. Kayat bukod sa kuwentong hatid ng script, may sarili ka rin kuwento na dapat na maihayag sa kanila.
Sa part 2 ng ating artikulo ay banggitin sa atin ni Ms Marion kung ano ba talaga ang pag-arte at hadlang ba sa pag-arte ang may learning disability?