Deployment ng mga Healthcare worker, sinuspinde ng POEA
Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagpapadala ng mga Healthcare workers sa labas ng bansa.
Nakasaad sa Advisoy No. 71 series of 2021, na kabilang sa deployment suspensyon ang mga bagong hire na nurses, nursing aides, at nurse assistants.
Dahil dito, suspendido rin ang processing at issuance ng Overseas Employment Certificates (OEC) para sa mga bagong hire na medical workers effective immediately.
Pero nilinaw ng POEA na makaaalis pa rin ng bansa ang mga healthcare worker na naisyuhan na ng kanilang OEC.
Paliwanag ni POEA Administrator Bernard Olalia, ang suspensiyon ay dahil naabot na ng bansa ang annual deployment ceiling na 5,000 new hires para sa mga healthcare worker.