Inbound International flights ng MCIA, balik-operasyon na
Matapos pansamantalang ilipat ang inbound international flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), pinayagan na muli ang operasyon ng Mactan-Cebu International Airport (MCIA) ngayong araw, June 6.
Ang direktiba ay nagmula sa Malakanyang.
Matatandaang idinivert sa NAIA ang mga inobund flight ng MCIA mula May 29 hanggang June 5 dahil puno na ang accredited quarantine facilities sa Cebu city at ang umano’y pagpapatupad ng sariling ordinansa ni Cebu Governor Gwen Garcia para sa mga overseas Filipino worker at returning overseas Filipino.
Ito ay ang hindi pagsasailalim ng mga Pinoy na galing ibang bansa sa itinakdang quarantine period ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) para aniya mabawasan ang pagihirap ng mga OFW ngayong panahon ng Pandemya.
Pero kamakailan din ay pinabulaanan ng Malakanyang na magsasampa sila ng kaso laban sa Gobernadora.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isa lamang paraan ng “innovation” ang itinakdang protocol sa Cebu dahil sa kakulangan ng pasilidad para sa quarantine requirements ng OFWs at returning overseas Filipinos.