DOH: Mayorya ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa ay mula sa Luzon
Pinakamalaking porsyento ng mga kaso ng Covid-19 na naitatala ngayon sa bansa ay mula sa Luzon na umabot sa 40 percent.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, karamihan aniya rito ay mula sa Region 4A o Calabarzon, Region 5 o Bicol Region, Region 3 o Central Luzon, Region 2 o Cagayan Valley, Region 1 o Ilocos Region.
Sa National Capital Region naman aniya ay nasa 13 percent na lamang mula sa 30-40 percent national share ng Covid 19 cases.
Ang 25 percent naman aniya ng iba pang naitatalang mga kaso ng virus infection ay mula sa Mindanao habang 2 percent naman ang mula sa Visayas.
Madz Moratillo
Please follow and like us: