Fully vaccinated na sa bansa, mahigit 1.5 milyon na
Umabot na sa mahigit 1.5 milyong indibiwal sa bansa ang fully vaccinated na o kapwa nakatanggap na ng una at pangalawang dose ng COVID 19 vaccine.
Sa datos ng Department of Health, nasa mahigit 4.4 milyon naman ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.
Sa A1 o mga medical frontliner, nasa 1.3 milyon ang naturukan na ng unang dose ng bakuna at mahigit 827,000 naman ang fully vaccinated na.
Ang sektor naman ng A2 o mga Senior Citizen ang may pinakamaraming nakatanggap na ng unang dose ng bakuna nasa mahigit 1.5 milyon.
Pero nananatili namang mababa pa ang fully vaccinated sa kanilang hanay na nasa mahigit 369,000 lamang.
Sa A3 naman o mga Person with Comorbidity, nasa mahigit 1.4 milyon na ang nakatanggap ng 1st dose ng bakuna habang nasa mahigit 343 libo lamang ang fully vaccinated.
Ayon sa DOH, kahit magsimula na ang pagbabakuna sa A4 o economic workers ay mahigpit pa rin nilang tutukan ang A2 at A3.
Madz Moratillo