Mga pulis na nakapatay kay Calbayog Mayor Ronaldo Aquino,Kinasuhan na
Kinasuhan na ng Philippine National Police ang mga tauhan nitong sangkot sa shootout noong marso na ikinamatay ni Calbayog Mayor Ronaldo Aquino, driver at iba pang kasama nito.
Sa pagdinig ng Senado, Sinabi ni Major Gen. Alfred Corpuz, Director for Operations ng PNP na kasong homicide, tatlong counts ng frustrated homicide at murder ang isinampa laban kina Police Lt. Col. Harry Sucayre, Police Maj. Shyrile Tan, at Police Lt. Julio Armesa dahil sa pagpatay sa alkalde at kaniyang mga bodyguards.
Pero kinasuhan rin ng 2 counts ng murder ang anak ng alkalde na si Ronald mark Aquino at mga kasamahan nitong sina Police corporal Rosales, at iba ang suspect dahil naman sa pagpatay kina Police Lt. Tabada at Police Staff Sgt. Laoyon.
Ayon kay Corpuz, batay sa nakalap nilang imbestigasyon, patungo ang alkalde sa birthday ng kaniyang anak na si mark nang paputukan sila ng abril ng mga tauhan ng Integrity Monitoring at Enforcement Group at Police Drug Enforcement Unit.
Pero itinanggi ni Aquino ang paratang at iginiit na tapos na ang barilan nang dumating siya sa lugar.
Meanne Corvera