DOE, nanindigang nagkaroon ng problema sa mga planta ng kuryente kaya nagkaroon ng malawakang brownout sa Luzon
Binubusisi ng Senate Committee on Energy ang nangyaring blackout at pagnipis ng suplay ng kuryente noong huling linggo ng Mayo.
Sa pagdinig, nanindigan si Energy Secretary Alfonso Cusi na nagkaroon ng problema ang apat na planta ng kuryente kaya nagkaroon ng mga power outages at naapektuhan pati ang energy reserve.
Mataas rin aniya ang demand ng kuryente dahil sa matinding init ng panahon.
Pero hindi kumbinsido ang ilang Senador sa paliwanag ng DOE.
Iginiit ni Senador Risa Hontiveros na bumaba pa nga ang economic demand ng enerhiya dahil sa Pandemya.
Katunayan aabot pa aniya sa 20 hanggang 25 percent ang surplus sa power capacity.
Pero sinabi ni Cusi, humingi na sila ng tulong sa Department of Justice at Energy Regulatory Commission para imbestigahan kung may nangyaring sabwatan kaya nagkaroon ng malawakang brownout.
Meanne Corvera