Mahigit 100 milyon, nalugi sa ekonomiya dahil sa nangyaring brownout
Aabot sa tinatayang 116 milyong piso ang nalugi sa ekonomiya dahil sa nangyaring brownout noong May 31 hangang June 2.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na mahigit 700,000 mga customers rin ang matinding naapektuhan ng nangyaring rotational brownout.
Pinaka-apektado rito ang mga customers ng Meralco sa Metro Manila, mga lalawigan ng Rizal, Cavite, Laguna, Batangas at Quezon.
Nakalulungkot ayon sa Senador dahil ngayon pa lang bumabangon ang mga negosyo dahil sa epekto ng Pandemya pero nalugi agad sa dalawang araw na brownout.
Iginiit naman ni Gatchalian na dapat patawan ng parusa ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga energy players.
Hangga’t wala kasi aniyang napananagot, mananatiling biktima ang mga Filipino ng Economic losses tuwing nagkakaroon ng brownout.
Meanne Corvera