Occupancy rate sa mga ospital at quarantine facilities sa Maynila, bumaba
Bumaba na ang occupancy rate sa District hospitals at Quarantine facilities sa Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nasa 30% na lamang ang occupancy rate sa kanilang anim na district hospital.
Habang bumaba naman sa 11% ang occupancy rate sa quarantine facilities sa lungsod.
Sa datos ng Manila LGU, umabot na sa 64,096 ang kabuuang Covid 19 cases sa lungsod.
Sa bilang na ito, 1,242 ang aktibong kaso.
Samantala, sinabi ni Moreno na wala munang vaccination activity ngayong araw para sa A1 hanggang A4.
Ayon sa alkalde, wala pa kasing bagong suplay ng bakuna na dumarating sa lungsod.
Pero tuloy naman aniya ang kanilang home service COVID 19 vaccination para sa mga bedridden na residente sa District 4 at District 5.
Sa datos ng Manila Health Department nasa mahigit 221,000 indibiwal na sa lungsod ang nabakunahan na kontra Covid-19 habang nasa mahigit 85,000 naman ang fully vaccinated na.
Madz Moratillo