DOH umapila sa publiko na magpapre register sa kani-kanilang LGU para sa COVID 19 vaccination
Muling umapila ang Department of Health sa publiko na magpapre register sa kani kanilang lokal na pamahalaan para sa COVID 19 vaccination.
Ito ay ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire ay upang maiwasan ang dagsa ng tao sa mga vaccination site.
Ang bawat LGU ay mayroong mga itinalagang website kung saan pwedeng magparehistro ang mga residente na nais magpabakuna kontra Covid-19.
Ang mga nagparehistro ay nakatatanggap naman ng schedule mula sa kanilang mga LGU kung kailan sila magtutungo sa mga vaccination site.
Sa kabila naman ng pagsisimula na ng vaccination para sa A4 o economic workers, tiniyak ni Vergeire na prayoridad parin nila sa pagbabakuna ang mga nasa A1 hanggang A3.Sila ang mga medical frontliner, senior citizen at person with commorbidity.
Pero may ilang lugar sa NCR Plus 8 naman ang hindi agad nakapagsimula ng pagbabakuna sa mga nasa A4 priority group.
Paliwanag ni Vergeire ang lahat kasi ay nakadepende sa supply ng bakuna.
Madz Moratillo