Ang Sining sa Panahon ng Pandemya-part 2

(continuation)

  1. Ano ba ang acting?

Ang acting ay ang pagganap ng isang karakter (buhay man o hindi) na may buong detalye. Kadalasan sinasamahan ito ng masusing pag aaral upang mabigyan ng katarungan ang karakter na gagampanan.

  1. Sino ba ang mas magaling yung mga nasa telebisyon o yung mga nasa entablado?

Pareho silang magaling dahil iisa lamang ang kanilang mensaheng pinararating. Bagamat magkaiba ang pamamaraan ng kanilang paglinang ng kanilang talento, kapwa naman sila nagtutulungan upang maitaguyod ang sining.

  1. Kailangan ba ng acting coach?

Mahalaga ang pagkakaroon ng acting coach dahil naiintindihan nya ang pangangailangan ng kanyang kliyente. Kadalasan nabibigyan nya ng ibang anggulo ng pagganap sa isang karakter na maaari ring makatulong sa artista lalo na kung ito ay bago pa.

  1. Maaari bang mag aral ng acting ang isang may learning disorder? Halimbawa dyslexic.

Hindi na bago sa atin na makapanood ng mga palabas na may mga artistang may learning disabilities. Kadalasan kinukuha sila upang maging makatotohanan ang isang kuwento. Ganunpaman, sinasala sila upang makita kung kakayanin ba nila ang karakter. May ilang pamamaraan upang sila ay matulungan gaya ng pagbibigay ng sample videos upang lubos nilang maintindihan ang karakter na kanilang gagampanan.

Please follow and like us: