Pangulong Duterte, pinangunahan ang pagdiriwang ng ika-123 Araw ng Kalayaan
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng Proklamasyon ng Araw ng Kalayaan sa Bulacan Capitol grounds sa Malolos city, Bulacan.
Kasama ng Pangulo sina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Cirilito Sobejana at National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairperson Dr. Rene Escalante.
Ang pagdiriwang ay may temang “Kalayaan 2021: Diwa ng Kalayaan sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan”.
Tinanggap naman ng grandniece ni Heneral Gregorio del Pilar na si Marita Villatema-Santos ang Order of Lapu-Lapu award with the rank of Magalong para kay General Del Pilar.
Samantala, ipinagdiwang din sa iba’t-ibang makasaysayang lugar sa bansa ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.
Sa Rizal national monument at Rizal Park sa Maynila, pinangunahan ni Mayor Isko Moreno at Justice secretary Menardo Guevarra ang seremonya.
Isinagawa rin ang seremonya sa Barasoain church sa Malolos, Bulacan na pinangunahan ni Governor Daniel Fernando; Emilio Aguinaldo shrine sa Kawit, Cavite na pinangunahan ni Mayor Angelo Emilio Aguinaldo na kaapu-apuhan ni Heneral Emilio Aguinaldo.
Nagsagawa rin ng mga seremonya sa Bonifacio national monument sa Caloocan city, Pinaglabanan shrine sa San Juan city, Museo ng Kasaysayang Panlipunan ng Pilipinas sa Angeles, Pampang, Mausolero delos Veteranos de la Revoluccion sa Manila North cemetery ganundin sa Rizal Park sa Davo city, Plaza Independencia sa Cebu city at Liberty shrine sa Lapu-Lapu city.