Bulacan 304th Ready Reserved Infantry Battalion ng Phil. Army, nagsagawa ng water search and rescue training
Bilang paghahanda sa posibleng pagdating ng mga kalamidad sa bansa, isinagawa ng Bulacan 304th Ready Reserved Infantry Battalion ng Phil. Army, sa pamumuno ni Lt. Col. Alberto J. Valenzuela, kumander ng Bulacan battalion, ang water search and rescue training.
Ipinakita sa training kung paano sumagip ng buhay sa panahon ng mga kalamidad.
Ibinahagi naman ni Paul Monching Santos, tagapagsalita at bagong kasapi ng 304th RRIB, ang kaniyang kaalaman, kung saan binigyang diin nito ang kahalagahan ng 3K, o ang kaalaman, kasanayan at kagamitan, na kung wala aniya ang isa ay maaaring magtagal, maabala o mabalewala ang isang rescue operation.
Aniya, mapalad ang mga bulakenyo, dahil sa gitna ng krisis na dala ng pandemya sa bansa, ay may mga grupo na nagtitipon upang pag-usapan at paghandaan kung paano makapagsasalba ng buhay ng iba.
Ulat ni Nori Fidel