Quarantine classification sa NCR Plus, ihahayag ni PRRD mamayang gabi
Iaanunsiyo ngayong gabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular weekly Talk to the People ang bagong quarantine classification sa National Capital Region o NCR plus na kinabibilangan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque isinasapinal na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon kay Pangulong Duterte para desisyunan kaugnay sa magiging quarantine classification sa NCR plus na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) with restriction hanggang June 15.
Ayon kay Roque malaki ang posibilidad na ilagay na sa regular GCQ without restriction ang NCR plus mula June 16 hanggang June 30 dahil bumaba na ang postivity rate at hospital utilization rate ng COVID 19 sa NCR plus subalit kailangan parin ang ibayong pag-iingat.
Inihayag ni Roque na malabo paring mailagay sa Modified General Community Quarantine ang NCR plus dahil nasa 7,000 ang average per day pa rin ang kaso ng COVID 19 sa bansa at tumataas ang kaso sa ibang lugar.
Vic Somintac