Comelec maglulunsad ng mobile app para sa mas mabilis na proseso ng Voter Registration
Maglulunsad ang Commission on Elections ng mobile application upang mapabilis ang proseso ng voter registration lalo na ngayong patuloy pa ang banta ng COVID-19.
Ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo, ang mobile app na ito ay maaaring ma-access gamit ang kahit na anong smartphone kahit offline.Malaking tulong aniya ito dahil tipid sa oras, effort at pera sa pagpunta sa mga computer shop para magdownload at magpa print ng voter registration form.
“The launch of the mobile app is very timely in the face of mobility restrictions brought about by COVID-19, because you will only need a smartphone to accomplish the form. This will save time, effort and money that will otherwise be spent on going to a computer shop to download and print the form, or getting the form at the local COMELEC to fill it out manually”. – Comelec Commissioner Marlon Casquejo
Ang mga magreregister gamit ang mobile app na ito ay makakatanggap ng QR code na sya namang gagamitin pag nagpunta na sa mga tanggapan ng Comelec para magparehistro.
Maaari aniyang madownload ang Mobile Registration Form App sa pamamagitan ng link na bit.ly/MobileFormApp.
Ang mobile app na ito ay pormal na ilulunsad ng Comelec bukas sa Tagum City, Davao del Norte.
Madz Moratillo