Malakanyang itinangging napabayaan sa supply ng bakuna ang Mindanao kaya tumaas ang kaso ng COVID 19
Hindi totoo ang akusasyon ng mga kritiko ng administrasyon na napabayaan sa supply ng bakuna ang Mindanao kaya tumaas ang kaso ng COVID 19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na ang pangunahing rason ng pagtaas ng kaso ng COVID 19 sa Mindanao dahil bumaba ang compliance ng mga residente sa ipinatutupad na minimum health standard partikular ang pagsusuot ng facemask, face shield at social distancing.
Ayon kay Roque pinag-aralan ng National Immunization Technical Advisory Group o NITAG ang distribution ng anti COVID 19 vaccine depende sa laki ng kaso ng pamdemya.
Inihayag ni Roque sa mga dumarating na bakuna ang pinakamalaking porsiyento ay inilagay sa National Capital Region o NCR dahil ito ang episentro ng pandemya ng COVID 19.
Niliwanag ni Roque ngayong tumaas ang bilang ng kaso ng COVID 19 sa Mindanao ay daragdagan ang kanilang vaccine allocation.
Batay sa pinakahuling quarantine classification na inilabas ng Inter Agency Task Force o IATF isinailalim sa Modefied Enhanced Community Quarantine o MECQ dahil sa paglobo ng kaso ng COVID 19 ang Davao City, Zambonga City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Cagayan de Oro City, Butuan City, Agusan del Sur, Dinagat Island at Surigao del Sur.
Vic Somintac