Aksiyon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic, kulang pa – Senador Binay
Nakukulangan si Senator Nancy Binay sa aksyon ng gobyerno sa paglaban sa COVID -19 pandemic.
Sinabi ni Binay na mahigit isang taon na matapos maranasan ang pandemya, hindi pa rin mapababa ng tuluyan ang mga kaso ng nagpopositibo sa virus.
Katunayan, paulit ulit lang aniya ang nangyayaring cycle dahil walang sapat na mekanismo para dito ang gobyerno.
Marahil ito rin aniya ang dahilan kaya hindi tuluyang napa flat ang curve ng COVID cases.
Nababahala ang Senador lalo ngayong luluwagan muli ang mga restrictions na muling malipat sa metro manila ang mataas na kaso sa mga probinsya.
Kung sa mga probinsya kasi aniya may pinaiiral na 14 day quarantine para sa mga nanggaling sa metro manila, walang ganitong sistema sa sa ncr sa mga nanggaling naman sa mga lalawigan.
Apila ng senador, sana matuto ang Pilipinas sa mga kapitbahay na bansa kung paanong mabilis na nasolusyunan ang pandemya kahit kulang ang suplay ng bakuna.
Meanne Corvera