COVID-19 vaccine procurement at vaccination roll out ng gobyerno, binubusisi ng Senado
Muling nagconvene ang Senado para busisiin ang procurement at vaccination program ng Gobyerno laban sa COVID- 19.
Sa harap ito ng hirit ng Department of Budget and Management na karagdagang dalawamput limang bilyong pisong pondo para sa procurement ng karagdagang bakuna.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Budget secretary Wendel Avisado na umaabot na sa 76. 597 billion ang nailabas na pondo para sa vaccination program ng gobyerno.
Sa 4.5 trillion national budget ngayong taon, 961. 22 billion ang nakalaan para sa COVID response pero kakailanganin ang booster shots para tuluyang labanan ang pandemya.
Ito aniya ang dahilan kaya sa panukalang 5. 024 trillion national budget sa 2022, hihilingin nila sa kongreso na maglaan ng pondo para sa vaccine booster.
Sa report ni Vaccine Czar Carlito Galvez, sinabi nitong aabot na sa 73 million ang siguradong suplay ng bakuna para sa pilipinas.
Mayroon pa aniyang 56 million na under negotiation pa habang 44 million ang nakatakdang tanggapin ng covax.
Hanggang kahapon naitala na sa 7 million katao ang naturukan ng bakuna at karamihan rito ay first dose pa lamang.
Sa kabila naman ng utos ng pangulo, limitado pa naipadalang bakuna sa mga probinsyang nagkaroon ng pagtaas sa COVID cases.
Meanne Corvera