Pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar, pinatitigil na ni Pangulong Duterte – SP Sotto
Pinatitigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mandatory na pagsusuot ng mga face shield.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, ito aniya ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nang magkaharap sila kagabi sa Malakanyang.
Nasa Malakanyang si Sotto kagabi kasama si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri para pag-usapan ang mahahalagang panukalang batas.
Ayon kay Sotto, pinatanggal na ng Pangulo ang face shield sa mga nagsusuot nito dahil abala lamang ito.
Sinabi ni Sotto sa Pangulo na Pilipinas lamang ang tanging bansang gumagamit ng face shield.
Dahil dito sinabi ng Pangulo na uutusan niya ang Department of Health na ipatigil na ang paggamit nito s amga pampublikong lugar at gagamitin na lamang sa mga ospital.