Mga nabakunahan sa Maynila, mahigit na sa 276,000
Umabot na sa 276,706 indibidwal sa Maynila ang nabakunahan kontra Covid-19.
Sa datos ng Manila LGU, sa nasabing bilang ay 131,074 na ang fully vaccinated.
Kahapon, naitala ng lungsod ang pinakamaraming bakuna na naideploy sa loob lamang ng isang araw na umabot sa 27,338.
Ngayong araw, muling ipagpapatuloy ang Covid-19 vaccination sa lungsod.
Ang oras ng pagbabakuna ay mula 6:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.
Para sa A5 o mga kabilang sa indigent population, may 7 vaccination sites na itinalaga sa kanila.
Para naman sa A2 o Senior Citizens at A4 o Economic workers ay may apat na mall sites na itinalaga.
Pero ayon sa Manila LGU, nag-abiso na ang Lucky Chinatown Mall at SM San Lazaro site ng cut- off dahil naabot na nila ang 2,500 na bilang na sakto sa doses na nakalaan sa araw na ito.
May second dose vaccination rin para sa mga nasa A1 hanggang A3 na nabakunahan noong May 20.
Madz Moratillo