NBI clearance online renewal at delivery service, inilunsad
Maaari nang i-renew online ng mga Pinoy ang kanilang NBI clearance.
Bukod dito, may opsyon na rin ang mga aplikante kung personal nilang kukunin ang dokumento sa NBI Clearance Center, mag-aatas ng iba para ito i-pick-up, o kaya ay mag-avail ng door-to-door delivery.
Sa paglulunsad ng NBI clearance online renewal at delivery service, sinabi na maaaring i-renew at bayaran ng mga aplikante ang kanilang NBI clearance sa pamamagitan ng pag-access sa https://clearance.nbi.gov.ph/.
May 48 oras naman para bayaran ang mga kinauukulang fees para sa renewal.
Kung for pick-up ang dokumento ay puwede na itong kunin sa NBI Clearance Center pagkatapos ng 24 oras.
Pero kung mag-avail ng delivery service, maaaring matanggap ito sa loob ng dalawang hanggang limang araw na working days.
Sa ngayon ay sa Metro Manila pa lamang puwede ang door-to-door delivery.
Tiniyak ng NBI na isinasaayos na nila para maging nationwide ang delivery service ng NBI Clearance.
Ang mga puwede lang mag-renew online ay ang mga aplikante na may clearance mula noong 2016.
Siniguro ng NBI sa publiko na ligtas ang kanilang online system para hindi ma-hack ang data ng mga aplikante.
Moira Encina