Lockdown sa malalaking BPO companies sa Davao city, inalis na
Tinanggal na ang lockdown sa tatlong malalaking Business Process Outsourcing companies sa Davao city.
Ang mga BPO companies ay nauna nang ipinasara noong June 7 matapos magpositibo sa Covid-19 ang nasa higit 400 empleyado nito.
Ayon kay City Health Office (CHO) Acting Head Dr. Ashley Lopez, na ang BPO companies at mga Commercial banks sa lungsod ay nakapagtala ng matataas na kaso ng virus infection sa lungsod.
Mahigit aniya sa 50 percent ng kaso sa lungsod ay nagmula sa workplaces.
Dahil dito, muling nagpaalala ang CHO sa mga establisimyento na ipatupad ang mahigpit na minimum health protocol sa kanilang mga empleyado upang maiwasan ang virus transmission.