QC, maglulunsad ng bagong online system para sa registration at scheduling ng pagbabakuna
Matapos makaranas ng problema ang mga residente ng Quezon City sa pagpaparehistro online para sa pagbabakuna, nagpasya ang city government na maglunsad ng panibagong online registration at scheduling system para sa vaccination program ng lungsod.
Batay sa pahayag ng lungsod sa pamamagitan ng kanilang official FB page, nasa final stages na sila ng paglulunsad ng bagong online system at inaasahang bubuksan ito ngayong linggong ito.
Matatandaang ipinahayag ng City government na tiniyak sakanila ng EZConsult na naayos na ang online system matapos makaranas ng online traffic dahil sa volume ng mga nagpaparehistrong nais magpabakuna.
Inamin ng lungsod na hindi lamang ang EZconsult system ang nakaranas ng problema kundi ang mga Barangay assisted booking at kakulangan pa rin sa suplay ng bakuna.
Sa kanbila nito, tiniyak ng City Government na kapag sapat na ang suplay ng mga bakuna ay mas marami nang mga residente ang mababakunahan sa lungsod.