58 milyong halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa joint operation ng MPD, 5 arestado
Aabot sa mahigit 8.5 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit 58 milyong piso ang nasabat sa buy-bust operation na inilunsad ng Manila Police District Drug Enforcement Unit sa katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency at Cavite Police sa Imus, Cavite.
Kinilala ni MPD chief Police Brigadier General Leo Francisco ang limang naarestong suspek na sina:
– Tamano Daud alyas Tam, 41 anyos na dati ng naharap sa kasong murder at illegal drug,
– Ismael Daud alyas Intsik, 24 anyos
– Norma Maguid alyas Sandra, 36 anyos- Bainor Maguid alyas Bai, 23 Anyos
– at Omar Redia, 42 anyos.
Ang mga ito nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o illegal possession of firearms and ammunition.
Ang mga naarestong suspek ay miyembro umano ng Tamano Drug Group na sangkot sa bentahan ng iligal na droga sa Metro Manila at Rizal Province.
Madz Moratillo