Panukalang paghiwalayin ang nabakunahan at hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19 hindi pa napapanahon – Malakanyang
Inihayag ng Malakanyang na hindi pa napapanahon ang panukalang paghiwalayin ang mga nabakunahan at hindi pa nababakunahan laban sa COVID 19.
Sinabi ni Presiential Spokesman Secretary Harry Roque maliit pa ang porsiyento ng nababakunahan sa bansa kaya masyado pang maaga ang pagpapatupad ng segragation sa mga vaccinated at hindi pa nababakunahan.
Ayon kay Roque pag-aaralan ng Inter Agency Task Force o IATF ang panukalang paghihiwalay sa mga nabakunahan at hindi pa nababakunahan laban sa COVID 19.
Sagot ito ng Malakanyang sa panukala ni Presidential Adviser on Enterpreneurship Joey Concepcion na paghiwalayin sa work place ang mga anti COVID 19 vaccinated at non-vaccinated upang maiwasan ang hawaan.
Iginiit ni Roque na habang isinasagawa ang mass vaccination program ng pamahalaan ay mahigpit paring sundin ang ipinatutupad na minimum standard health protocol na mask, hugas at iwas.
Naniniwala naman si Roque na ang dahilan ng pagdami ng kaso ng COVID 19 sa labas ng Metro Manila ay ang hindi tamang pagsunod sa minimum health standard at ang pagpasok sa bansa ng ibat-ibang variant ng COVID 19.
Vic Somintac