Pabago bagong patakaran ng gobyerno sa usapin ng paggamit ng faceshield,binatikos
Binatikos ni Senate President Vicente Sotto III ang mandatory na paggamit ng faceshield.
Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Duterte na tuloy ang paggamit ng faceshield batay sa rekomendasyon ng mga health experts.
Kwestyon ni Sotto, sino ang mga health expert na tinutukoy ng Malacañang samantalang wala naman silang maisumiteng ebidensya nang mag-imbestiga ang Senado sa isyu kung nakakatulong ang faceshield para makaiwas na mahawa ng virus.
Sinabi pa ni Sotto naniniwala na siya ngayon sa mga local government units na nagsasabing palpak at hindi maganda ang pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Bakit raw pabago bago ang patakaran ng gobyerno gayong nakausap niya ang Pangulo at ilang miyembro ng IATF na nagsabing dapat nang ipatigil ang mandatory na paggamit ng faceshield sa halip ay dapat gamitin na lang ito sa mga ospital.
Meanne Corvera