Karagdagang 2 milyong doses ng Sinovac vaccine, dumating na sa bansa; 400,000 dito ay binili ng Manila LGU
Dumating na sa bansa ngayong umaga ang 2 milyong doses ng Sinovac vaccine na binili ng gobyerno mula sa China.
Ang mga bakuna ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 kaninang 7:26 ng umaga lulan ng Cebu Pacific flight.
400,000 doses nito ay binili ng Lungsod ng Maynila.
Ang mga bakuna ay sinalubong nina Health Secretary Francisco Duque III, Vaccine czar Carlito Galvez Jr., kasama sina Manila Mayor Isko Moreno at Vice-Mayor Honey Llacuna.
Ito na ang ika-12 batch ng Sinovac vaccines na dumating sa bansa at nasa kabuuang 11 milyong doses na ng Sinovac ang nasa bansa.
Sa kabuuan ay nasa 16.2 milyong doses na ng iba’t-ibang bakuna kontra Covid-19 ang nasa bansa kabilang ang Sinovac, AstraZeneca, Sputnik V at Pfizer-BioNTech.