Malakanyang, nilinaw na hindi pa nakakakumpleto ng bakuna kontra Covid-19 si Pangulong Duterte
Hindi pa naturukan ng second dose ng Sinopharm Covid-19 vaccine si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang ginawang paglilinaw ni Presidential spokesperson Harry Roque, matapos ipahayag ni Presidential Security Group (PSG) commander, Brig. Gen. Jesus Durante III na nakakumpleto na ng bakuna ang Pangulo.
Ayon kay Roque, na misinformed aniya si Durante ng medical staff.
Dahil dito, humingi ng paumanhin si Durante sa maling impormasyong ibinahagi nito sa publiko.
Matatandaang sinabi ni Durante sa harap ng media noong Biyernes na nakatanggap na ang Pangulo ng second dose, 14 araw matapos itong maturukan ng unang dose noong May 3.
Hindi pa kasi aniya nabigyan ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration ang Sinopharm noong unang naturukan ang Pangulo ta kamakailan lamang nabigyan ito ng EUA.
Una nang nag-isyu ang FDA ng compassionate use license sa 10,000 doses ng Sinopharm vaccine na ginamit sa PSG members.