Paano mapapakinabangan ang mga waste product?

logo

Nito lamang Pebrero ngayong taon ay binuksan sa publiko ang kauna-unahang Modular Multi Industry Center o MMIC o tinaguriang Innohub sa Pinas. Sinabi ni Dr. Annabelle V. Briones, Director ng Industrial Technology Development Institute ng Department of Science and Technology o DOST-ITDI, na ang Innohub sa Pinas ay bahagi ng Teknolohiya na kanilang ipinagkakaloob para sa mga Pinoy na nasa larangan ng Micro, Small, at Medium Enterprises o MSMEs lalo na sa mga nasa pagnenegosyo ng pagkain, dietary supplements o personal care items mula sa by products tulad ng buto, dahon at pulp.

Aniya, nilalayon ng kanilang ahensya na matulungan ang mga MSMEs na mag-innovate at matugunan ang pangangailangan ng industriya o local industry sectors sa bansa.

Paglalarawan pa ni Briones na isa itong pasilidad na may iba’t ibang uri ng makina na multi-functional at modular at maaaring gamitin sa iba’t ibang manufacturing lines.

Bukod sa nabanggit, maaari din itong gamitin sa development of new products, product equivalence, reintroduction of existing product at pilot capacity production, na batay sa kanilang pag aaral, kalimitan ay wala ang mga MSMEs ng mga nabanggit, kung kaya, itinayo nila ang nasabing pasilidad upang makapag- innovate ng produkto.

Ayon kay Briones, may tatlong major processing lines ang innohub sa pinas na maaaring magamit ng mga negosyante.

Kabilang dito ang nut and seed oil, mixed powder blend at liquids and emulsions. Sabi ni Briones, sa pamamagitan ng innohub sa pinas nai-popromote ang backend innovation na gawing kapaki-pakinabang ang mga waste materials o mga bagay na itatapon na lamang.

Inihalimbawa ni Briones ang pagproduce ng calamansi dietary fiber mula sa balat at sepal o pulp ng calamansi. Ang buto ng calamansi ay maaaring pagkunan ng langis, pili pulp oil, mula sa pili pulp, pili pulp dietary fiber, tomato garlic sauce na nai-develop mula sa tomato pomace.

Ang tomato pomace ay ang waste product sa paggawa ng tomato ketchup. Sinabi pa ni Briones na may apat na serbisyo na ino-offer ang innohub sa pinas.

Ito ay ang pag-gamit ng pasilidad o makina, halimbawa ay grinding machine o expeller o ang pag-extract ng oil, serbisyong teknikal,

ito ang pag-gamit ng pasilidad na may tulong ng eksperto mula sa kanilang ahensiya, paglipat ng teknolohiya o technology transfer, ito ang pag-gamit din ng pasilidad na may kasamang eksperto mula sa ITDI na ready for adoption para magawa ang technology na kailangan nila sa pagnenegosyo.

Ang huli ay ang contract research na dito ay gagamitin ang pasilidad kasama ang ITDI expert upang gawin ang iminumungkahi na idea o konsepto ng customer o maaari din namang idea ng kanilang ahensiya depende sa kanilang pag-uusap o mapagkakasunduan.

Idinagdag ni Briones ang lahat ng serbisyong kanilang ino-offer ay may kaukulang fees. Kaya naman, hinihikayat ni Briones ang mga MSMEs na bisitahin ang MMIC o ang innohub sa Pinas na tiyak na makatutulong sa kanilang negosyo upang makagawa ng mga bago at malikhaing mga produkto.

Binigyang diin pa ni Briones na sa Pinas innohub walang masayang na waste product manapa, ito ang magiging susi ng MSMEs upang mapagtagumpayan ang mga hamon at pagsubok sa kanilang negosyo na dulot ng pandemyang nararanasan dahil sa covid 19. Photo ctto: DOST-ITDI
photo credit to DOST-ITDI

Please follow and like us: