Maling pagtuturok ng bakuna, isolated case lang, ayon sa isang Senador
Pinaiimbestigahan na ni Senador Christopher “Bong” Go sa Department of Health ang isyu ng maling pagtuturok ng bakuna kontra Covid-19.
Kasunod ito ng report na hindi lamang sa Makati city nangyari ang insidente na hindi naipasok ang bakuna matapos maturukan ng karayom.
Sinabi ni Go na Chairman ng Senate Committee on Health na dapat alamin kung saan nagkaroon ng pagkukulang para hindi na maulit ang ganitong insidente.
Naniniwala si Go na isolated lamang ang kaso at hindi na dapat mauwi sa sisihan ang insidente.
Naiintindihan aniya niya na may pagkakamali ang mga health workes marahil dala ng sobrang pagod at dami ng tao na kanilang binabakunahan araw-araw.
Meanne Corvera