Pilipinas nasa low risk na ng Covid-19 infection
Nasa low risk category na ng Covid 19 infection ang Pilipinas.
Ayon kay Dr. Alethea de Guzman, director ng Epidemiology Bureau ng Department of Health, kung pagbabatayan ang 2 week growth rate ng Covid 19 infections sa bansa ay bumaba na ito sa -9% nitong nakaraang isa hanggang 2 linggo kumpara sa 15% sa nakalipas na 3 hanggang 4 na linggo.
Ang Average Daily Attack Rate aniya ng virus dito sa, bumaba na rin sa 5.42 mula sa dating 5.96 nitong nakalipas na 3 hanggang 4 na linggo.
Pero sa kabila nito, kung pagbabatayan aniya ang mga naitatalang Covid-19 ngayon, malayo parin ito peak ng mga kaso na naitala noong Disyembre ng nakaraang taon at Enero ngayong taon na ang mga naitatalang bagong kaso kada araw ay nasa mahigit 1 hanggang 2,000 lamang.
Batay sa datos ng DOH, bagamat mabagal ay patuloy pa rin namang bumababa ang mga kaso ng Covid-19 sa National Capital Region.
Katunayan, ang mas nakapag-aambag aniya ng mas maraming kaso ngayon ay ang Central Luzon at Calabarzon.
Pero may ilang lungsod sa NCR ang nananatiling nasa High Risk dahil sa mataas na daily attack rate, ito ang Pateros, Makati, at San Juan.
Sa Plus Areas naman aniya napag iwanan ang Laguna na may mataas pa ring kaso ng Covid-19 infection.
Nakipag-ugnayan na aniya ang DOH sa Department of Interior and Local Government at lokal na pamahalaan para matukoy ng dahilan sa patuloy na pagtaas ng kaso sa lalawigan.
Pero batay aniya sa report ng kanilang Regional Center for Health Development, ang nakikitang dahilan ng pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa Calabarzon kung saan kabilang ang Laguna ay ang pagdami ng hindi sumusunod sa minimum public health standards, at mga nagsasagawa ng gatherings gaya ng party at iba pang social events.
Madz Moratillo