DOH binaalan ang publiko laban sa mga indibidwal na nagbebenta ng Covid-19 Vaccine

Nanawagan ang Department of Health sa publiko na huwag bibili ng mga Covid 19 vaccine sa mga indibiwal na nagbebenta nito.

Giit ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, wala namang ibang mapagkukunan ng bakuna ang mga ito dahil National Government lamang ang maaaring bumili ng bakuna.

Una rito, napaulat na may 3 katao ang inaresto ng National Bureau of Investigation dahil sa pagbebenta ng bakuna.

Sa operasyon ng NBI, 300 doses ng Sinovac Vaccine ang nakuha sa mga suspek.

Apila ni Vergeire sa publiko, sa mga lokal na pamahalaan lamang magpalista para sa Covid 19 vaccination.

Libre din aniyang ibinibigay ng gobyerno ang bakuna para sa publiko at hindi ito ipinagbibili.

Labis aniya ang kanilang pagkadismaya sa DOH dahil sa insidente dahil kailangang kailangan ng ating mga kababayan ang bakuna.

Madz Moratillo

Please follow and like us: