DOH tiniyak na muling sumasailalim sa re orientation ang mga COVID 19 vaccinator
Para sa ikapapanatag ng kalooban ng mga nagpabakuna kontra COVID-19, maaari umanong hilingin na maipakita sa kanila ang syringe bago at pagkatapos itong naiturok sa kanila.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, papayagan nila ito para na rin sa kapanatagan ng kalooban ng ating mga kababayan sa vaccination program ng pamahalaan.
Kasabay nito, tiniyak ni Vergeire na may mga re-orientation na silang ginagawa sa mga vaccinator para maiwasan ang pagkakamali sa pagbabakuna.
Tiniyak naman ni Vergeire na ang mga naging pagkakamali na ito sa ilang vaccination site ay hindi sinasadya at human error lamang.
Ang mga nagbabakuna na ito aniya ay ilang dekada na sa pagbabakuna sa national health program.
Muli ring umapila ang opisyal sa publiko na magtiwala sa vaccination program ng gobyerno lalo na sa panahong ito ng pandemya.
Madz Moratillo