Anti- COVID vaccines na natatanggap ng CALABARZON, higit 1.7M na
Nasa 1.7 milyon na ang alokasyon ng bakuna kontra COVID-19 ang natatanggap ng CALABARZON mula sa nasyonal na pamahalaan.
Ayon sa COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 1,719,737 ang anti- COVID vaccines ang naibigay sa rehiyon.
Ang CoronaVac na gawa ng Sinovac ang pinakamarami na mahigit 1.1 milyon at sumunod ang AstraZeneca na nasa 331,000.
Napagkalooban na rin ang Region IV-A ng mahigit 235,000 Pfizer vaccines at 3,000 Sputnik V.
Samantala, nasa 1.24 milyon na ang mga nabakunahan na indibidwal mula sa A1 hanggang A5 category sa rehiyon.
Moira Encina
Please follow and like us: