Latest sa C130 plane crash: 50 patay, 53 sugatan
Narekober na ang lahat ng pasahero, sundalo at crew members ng bumagsak na C-130 cargo plane ng Philippine Air Force sa Patikul, Sulu.
Kaugnay nito, umakyat na sa 50 ang kabuuang bilang ng namatay sa insidente na kinabibilangan ng 47 sundalo at 3 sibilyan.
Limampu’t tatlo naman ang bilang ng mga nasugatan na kinabibilangan ng 49 na sundalo at 4 na sibilyan. 32 sa mga sugatang sundalo ang nailipat na sa Zamboanga City.
Sa kasalukuyan ay hinahanap pa ang black box ng bumagsak na eroplano na inaasahang makapagbibigay ng linaw kung bakit naganap ang plane crash. (report ni Eaglenews Corrsepondent Ely Dumaboc, WesMinCom)
“One of our C-130s, while transporting troops from Cagayan De Oro, missed the runway, tried to regain power but failed, and ended up crashing in Barangay Bangkal, Patikul, Sulu,” Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Cirilito Sobejana.