US handang magkaloob ng suporta sa Pilipinas sa nangyaring pagbagsak ng C-130 plane sa Sulu
Nagpaabot ng pakikiramay sa Pilipinas si US National Security Advisor Jake Sullivan sa nangyaring pagbagsak ng military plane sa Patikul, Sulu na ikinasawi ng 50 sundalo at sibilyan.
Sa statement na inilabas ng White House, sinabi ni Sullivan na nakikidalamhati ang Amerika sa mga nasugatan at pamilya ng mga pumanaw sa trahedya.
Ayon kay Sullivan, bilang kaalyado ay kaisa ang US ng tropang militar ng Pilipinas sa mahirap na panahon na ito.
Tiniyak ng US official na handa silang magkaloob ng lahat ng suporta sa pagtugon ng Pilipinas sa insidente.
Moira Encina
Please follow and like us: