Bilang ng Covid-19 vaccines sa bansa ng naiturok na, umabot na sa higit 11.7 milyon
Umabot sa mahigit 11.7 milyong Covid 19 Vaccine ang naiturok sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, may mahigit 8.8 milyong indibiwal na dito sa bansa ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.
Habang nasa mahigit 2.8 milyon naman na ang fully vaccinated.
Sa A1 o medical frontliners, nasa mahigit 1.7 milyon na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang mahigit 1.1 rito ang nakatanggap na rin ng pangalawang dose.
Sa A2 o senior citizens, mahigit 2.5 na ang nabakunahan ng 1st dose, habang mahigit 788,000 ang fully vaccinated na.
Sa A3 o persons with commorbidities, mahigit 2.9 milyon na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna, mahigit 897 libo namang ang fully vaccinated na.
Sa A4 o economic workers, mahigit 1.3 milyon na ang naturukan ng 1st dose ng bakuna habang mahigit 26,000 ang fully vaccinated.
Sa A5 o indigent population, mahigit 256,000 ang nabigyan na ng unang dose ng bakuna habang may 227 ang fully vaccinated.
Madz Moratillo