Bilyun-bilyong pisong buwis na hindi umano binayaran ni Senador Pacquiao, Isiniwalat ni Pangulong Duterte
Tila lalo pang lumala ang bangayan sa pagitan ng mga lider ng PDP laban na sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Manny Pacquiao.
Isiniwalat ni Pangulong Duterte ang umano’y bilyon bilyong pisong buwis na hindi binayaran ni Senador Manny Pacquiao.
Sa kaniyang pakikipagpulong sa mga lider ng pdp laban , sinabi ng Pangulo na aabot sa 2. 2 billion pesos ang tax liability ni pacquaio
Hindi idinetalye ng Pangulo ang umano’y pagkakautang sa buwis ni Pacquiao.
Pero magugunitang noong 2018 si Pacquiao ay pinaboran ng Court of tax appeals.
Ipinatigil noong ng first division ng court of tax appeals ang pangongolekta ng umanoy hindi nabayaran buwis ni Pacquaio at asawa nitong si Jinkee sa mga taong 2008 hanggang 2009 dahil sa kawalan ng meritorious noong July 2013.
Magugunitang iniutos ni Dating BIR Commissioner Kim Henares ang freeze order sa mga ari arian ni Pacquaio dahil sa umano’y tax liability na aabot sa 2. 26 billion pesos na sinasabing umabot sa 3. 3 billion pesos dahil sa mga penalty at surcharges.
Sinabi ng Pangulo wala namang balak ang gobyerno na habulin si Pacquiao Pero pinasaringan nya ito at sinabing ang pandaraya sa pagbabayad ng buwis ay isang uri ng corruption.
Nauna nang ibinunyag ni Pacquaio ang umano’y katiwalian sa paggastos ng Social Amelioration program funds o ayuda para sa mahihirap na mga pamilyang apektado ng pandemya na aabot sa 10. 4 billion pesos.
Wala pang sagot ang kampo ni Pacquaio sa panibagong alegasyon ng pangulo.
Si Pacquaio ay kasalukuyang nasa Amerika at nagsasanay para paghandaan ang kaniyang laban sa Agosto.
Meanne Corvera