China humihingi ng EUA sa Pilipinas para payagang maibakuna sa mga kabataan ang Sinovac vaccine
Humihingi ang China ng Emergency Use Authorization sa bansa para masakop ng Sinovac vaccine ang mga kabataan na nasa edad 3-17 anyos.
Sinabi ni Food and Drugs Administration (FDA) Director-General Eric Domingo, kasalukuyan nang nirerepaso ng mga eksperto ang mgadatos at nangangalap ng karagdagang impormasyon mula sa proponents.
Titingnan aniya ng FDA kung sa loob ng buwang ito ay makapagpapalabas ng pasya ang ahensya kung papahintulutang magamit ang Sinovac sa mga kabataan.
Sa kasalukuyan, ginagamit ang Coronavac Chinese-made vaccine sa mga malulusog na indibidwal na may edad 18 – 59 anyos.
Una nang sinabi ng Department of Health na bukas sila sa posibilidad na maiturok sa mga kabataan ang mga bakuna matapos aprubahan ng China na nagamit ito sa mga menor de edad.
Sa ngayon tanging ang Pfizer Covid vaccine pa lamang ang nabigyan ng EUA para sa menor de edad.