Kabuuang populasyon ng Pilipinas, umaabot na sa mahigit 109 milyon
Aabot na sa 109,035,343 ang kabuuang populasyon ng Pilipinas.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, batay ito sa resulta ng isinagawang 2020 Census Population and Housing survey noong May 2020.
Ang bilang ng populasyon ay tumaas ng 8,053,906 mula sa dating 100,981,437 na populasyon noong 2015.
Sa 17 rehiyon sa bansa, ang Region 4A o CALABARZON ang nakapagtala ng may pinakamaraming populasyon na umaabot sa mahigit 16 million.
Sinundan ito ng National Capital Region na may mahigit 13 million at Region 3 o Central Luzon na may kabuuang populasyon na 12, 422,000.
May pinakamababa namang bilang ng populasyon ang Cordillera Administrative Region (CAR) na may mahigit isang milyon, ang CARAGA na mahigit 2 million at MIMAROPA na mahigit 3 milyong katao.
Sa population census ang CALABARZON o Cavite, Laguna, Batangas at Quezon ang nakapagtala ng mabilis o pagdoble ng populasyon habang pinakamabagal ang sa Eastern Visayas region.
Ang survey ay ginawa ng PSA noong Mayo o sa kasagsagan ng Pandemya kung saan mayorya ng mga Filipino ay nasa kani-kaniyang mga tahanan.
Meanne Corvera