Navotas LGU, magpapatupad ng mahigpit na restrictions para sa mga papasok sa lungsod

Sa layuning maprotektahan ang mga mamamayan sa lungsod ng Navotas, magpapatupad ang pamahalaang lungsod ng mahigpit na restrictions sa mga papasok dito na hindi kabilang sa tinatawag na Bubble Plus.

Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, ito ay upang makontrol ang muling pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa lungsod.

Base sa inilabas na guidelines, ang mga papasok sa Navotas ay kailangan munang magsumite ng negative result ng RT-PCR test at Barangay Certificate.

Kailangan din na nakalagay kung saan ang kumpletong address ng kanilang destinasyon sa Lungsod.

Ang lahat ng bibisita ay kailangan din magparehistro sa s-pass.ph ng Navotas kasama na ang iba pang dokumento gaya ng health declaration o medical certificate galing sa kanilang pinagmulang lugar.

Aplikable ang restrictions na ito sa bawat individuwal na magmumula sa labas ng NCR plus, essential man o hindi ang kanilang biyahe.

Edison Domingo Jr.

Please follow and like us: