Higit 12.7 milyong bakuna kontra Covid-19 sa bansa, naiturok na
Umabot na sa mahigit 9.4 milyong indibidwal sa bansa ang nakatanggap na ng unang dose ng Covid-19 vaccine.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, nasa mahigit 3.2 milyon naman ang fully vaccinated na kontra Covid-19.
Sa kabuuan, nasa mahigit 12.7 milyon naman ang kabuuang doses ng bakuna na naiturok sa bansa.
Pero ayon kay Cabotaje ang mahigit 3.2 milyong fully vaccinated na ito ay 4.53% lang ng target ng gobyerno na mabakunahan kontra Covid-19.
Kung pagbabatayan naman ang bilang ng target mabakunahan, 13.40% na rito ang naturukan na ng unang dose ng bakuna.
70% ng populasyon ang target mabakunahan ng gobyerno kontra Covid 19 upang maabot ang herd immunity.
Madz Moratillo