Bakit mahalaga ang may plan B?

Paano ba tayo nagre-react sa mga bagay na hindi inaasahan? Yun tipong biglaan?
Tulad na lamang ng pandemya.

Ang tanong ko lang nakapaghanda ba tayo?
Sa pagkakataong ito pag-uusapan natin kung gano kahalaga na handa tayo sa mga hindi inaasahang pangyayari..

Ano ba ang tinatawag na contingency plan? Para sa pamilya, sa mga kapitbahay o komunidad?

Paliwanag ni Mr. Astro del Castillo, Financial Analyst, Managing Director ng First Grade Finance Inc.

Ang contingency plan ay plano para sa hindi inaasahang pangyayari o plan B gaya ng natural na kalamidad at ngayon ay pandemya.

Inilarawan niya ito sa pagiging boy scout na laging handa, laging prepared sa anumang mangyayari.

Ipinaliwanag niya na iba ito sa ‘plano’. Ang plano kasi ito mga bagay na ating ginagawa o nais gawin.

Ilan sa sa kanyang ibinahagi ay ang mga sumusunod:

Personal Contingency plan- bumili o mag-imbak ng mga bagay na ating kinakailangan.

Family Contingency plan- dito hinihikayat na magtanim ng mga gulay sa bakuran o urban planting. Maging ang pag-aalaga ng mga manok, bibe. Upang masustain ang pangangailangan ng pamilya.

Especially ang basic needs ng tahanan. Bawasan ang mga unnecessary na gastos. Kasama sa plano ang pagbubudget.

Community Contingency plan-
Maari natin i-share ang mga tanim natin gulay, sa komunidad. Makapagtanim din sila. Gamitin din ang mga personal skills upang magkaron ng pagkakakitaan.
Subukan ang online learning upang matuto at magkaroon ng kabuhayan.

Business Contingency plan-dito ipinaliwanag niya na kailangang mag-isip ng ilang bagay na maaaring pagkakitaan.

Dapat pag-aaralan, ma-identify ang market, competitive ba ang presyo, produkto. Maganda rin nakarehistro ang ating negosyo kahit maliit pa ito.

Panghuli sa mga kababayan natin na walang alokasyon pagdating sa pinansiyal na aspeto, sinabi ni Mr. Astro puwede natin gawin ang barter change, mga gamit o produkto na pwede natin ipalit sa nais nating bagay.

Napakahalaga na magkaroon tayo ng mga alternatibong plano para hindi tayo lubhang maapektuhan sa mga pangyayari na hindi natin inaasahan.

End

Please follow and like us: