Resulta ng pagsusuri sa black box mula sa bumagsak na C130 plane sa Sulu, aabutin pa ng isang buwan- PAF
Aabutin pa ng isang buwan bago maipalabas ang resulta ng ginagawang pagsusuri sa black box na narekober sa crash site mula sa bumagsak na C130 cargo plane sa Patikul, Sulu noong July 4 na ikinamatay ng 49 military personnel at 3 sibilyan.
Sinabi ni PAF Spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano na ipinadala na sa Estados Unidos ang fligh data recorder upang masuri ng crash investigators.
Samantala, sinabi ni Mariano na halos 100% nang tapos ang retrieval operations sa crash site.
Dadalhin aniya ang ilang parte ng eroplano sa Mactan, Cebu para sa repair at construction at doon susuriin ang mga events na maaaring nangyari sa eroplano kung bakit ito bumagsak.
Nasa 20 fatalities na lamang aniya ang patuloy na kinikilala mula sa bumagsak na military plane.
Samantala, tiniyak ni Mariano sa publiko na sapat pa ang air asset ng militar upang ipagpatuloy ang kanilang serbisyo sa kabila ng pagbagsak ng C130 aircraft.
Mayroon pa aniyang C295 at BC212i ang militar na ginagamit para sa pagtatransport ng mgabakuna at iba pang medical items sa mga lalawigan.
Nananatiling mataas pa rin aniya ang morale ng PAF personnel at tuloy ang operasyon ng Air Force.